| Chapter 15 |
1 | Ako ang tunay na puno ng ubas. Ang aking Ama ang tagapag-alaga.
|
2 | Ang bawat baging na nasa akin na hindi namumunga ay inaalis niya. Lahat ng baging na namumunga ay nililinis niya upang lalo pang magbunga nang marami.
|
3 | Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng salita na sinalita ko sa inyo.
|
4 | Manatili kayo sa akin at ako ay mananatili sa inyo. Ang baging ng ubas ay hindi makapamumunga sa kaniyang sarili malibang ito ay manatili sa puno ng ubas. Maging kayo man ay hindi makapamumunga malibang manatili kayo sa akin.
|
5 | Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga baging. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana. Kung hiwalay kayo sa akin ay wala kayong magagawang anuman.
|
6 | Malibang ang sinuman ay manatili sa akin ay itatapon siya tulad ng sanga. Ito ay natutuyo. Kanila itong tinitipon at itinatapon sa apoy, at ito ay sinusunog.
|
7 | Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga Salita ay mananatili sa inyo, hilingin ninyo ang anumang inyong ibigin. Ito ay mangyayari sa inyo.
|
8 | Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama na kayo ay magbunga nang sagana at kayo ay magiging mga alagad ko.
|
9 | Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig.
|
10 | Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig.
|
11 | Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayon din naman, ang inyong kagalakan ay malubos.
|
12 | Ito ang aking utos, kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo.
|
13 | Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.
|
14 | Kayo ay aking mga kaibigan kung ginagawa ninyo ang anumang in uutos ko sa inyo.
|
15 | Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko kayong mga kaibigan. Ito ay dahil ang lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaaalam ko sa inyo.
|
16 | Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga ay manatili. Ito ay upang ang anumang inyong hilingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.
|
17 | Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa.
|
18 | Kung ang sanlibutan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago kayo.
|
19 | Kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sanlibutan ang sariling kaniya. Ngunit dahil hindi kayo sa sanlibutan, hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil nga dito kinapopootan kayo ng sanlibutan.
|
20 | Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi nakahihigit sa kaniyang panginoon. Kung ako ay kanilang inusig, kayo rin naman ay uusigin nila. Kung tinupad nila ang aking salita ay tutuparin din naman nila ang sa inyo.
|
21 | Ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo alang-alang sa pangalan ko. Ito ay dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa akin.
|
22 | Kung hindi ako naparito at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkasala. Ngayon ay wala na silang maidadahilan sa kanilang kasalanan.
|
23 | Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.
|
24 | Kung hindi ko nagawa sa harap nila ang mga gawaing hindi nagawa ng sinuman, hindi sana sila nagkasala. Ngayon ay kapuwa nila nakita at kinapootan ako at ang akin ding Ama.
|
25 | Ito ay upang matupad ang salita na nasusulat sa kanilang kautusan: Kinapootan nila ako ng walang dahilan.
|
26 | Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo tungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama.
|
27 | Kayo rin naman ay magpapatotoo sapagkat kayo ay nakasama ko na mula pa sa pasimula.
|