Tagalog (John and James) Bible

John 17

John

Return to Index

Chapter 18

1

 Pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito ay umalis siya kasama ang kaniyang mga alagad. Sila ay nagtungo sa kabila ng batis Kedron na kung saan may isang halamanan. Siya at ang kaniyang mga alagad ay pumasok doon. 

 


2

 Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang pook na iyon. Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay madalas na magtipon doon. 

 


3

 Dumating si Judas. Kasama niya ang pangkat ng mga kawal at mga tauhang mula sa mga punong pari at mga Pariseo. Dumating sila roon na may dalang mga sulo, mga ilawan at mga sandata. 

 


4

 Si Jesus na nalalaman ang lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya ay sumalubong sa kanila. Sinabi niya sa kanila: Sino ang hinahanap ninyo? 

 


5

 Sinagot nila siya: Si Jesus na taga-Nazaret. Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako na iyon. Si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila. 

 


6

 Nang sabihin niya sa kanila na, ako na iyon, napaurong sila at natumba sa lupa. 

 


8

 Sumagot si Jesus: Sinabi ko na sa inyo na ako na iyon. Kung ako nga ang inyong hinahanap, pabayaan ninyong umalis ang mga ito. 

 


9

 Ito ay upang matupad ang pananalitang kaniyang sinabi: Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ako nawalan isa man. 

 


10

 Si Simon Pedro nga ay may tabak, binunot niya ito. Tinaga niya ang alipin ng punong pari at pinutol ang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malcu. 

 


11

 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro: Isalong mo ang iyong tabak. Iinumin ko ang sarong ibinigay sa akin ng Ama, hindi ba? 

 


12

 Dinakip si Jesus ng pangkat ng mga kawal, ng kapitan at ng mga pinuno ng mga Judio. Siya ay ginapos nila. 

 


13

 Dinala muna nila siya kay Anas. Siya ang biyenang lalaki ni Caifas na pangulong pari ng taon ding iyon. 

 


14

 Si Caifas ang nagpayo sa mga Judio na kapakipakinabang mamatay ang isang tao ng dahil sa mga tao. 

 


15

 Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala ng pangulong pari. Siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pangulong pari. 

 


16

 Si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Ang alagad na kilala ng pangulong pari ay lumabas. Kinausap niya ang babaing nagbabantay sa pintuan at pinapasok si Pedro. 

 


17

 Ang dalagang nagbabantay ng pintuan ay nagsabi nga kay Pedro: Ikaw ay isa rin sa mga alagad ng taong ito,hindi ba ? Sinabi niya: Hindi. 

 


18

 Ang mga alipin at mga tauhan ay nakatayo roon. Sila ay nagpabaga ng uling sapagkat malamig doon at sila ay nagpapainit ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay nakatayong kasama nila at nagpapainit. 

 


19

 Ang pangulong pari ay nagtanong kay Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang turo. 

 


20

 Sinagot siya ni Jesus: Ako ay hayagang nagsalita sa sanlibutan. Ako ay laging nagtuturo sa bahay-sambahan at sa templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabi sa lihim. 

 


21

 Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang sinabi ko sa kanila. Tingnan mo, alam nila ang sinabi ko. 

 


22

 Pagkasabi niya ng mga ito, isa sa mga tauhang nakatayo sa tabi ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya: Sinagot mo ng ganyan ang pangulong pari? 

 


23

 Sinagot siya ni Jesus: Kung ako ay nagsalita ng masama, magbigay saksi ka tungkol sa masama. Kung mabuti, bakit mo ako sinaktan? 

 


24

 Si Jesus ay nakagapos na ipinadala ni Anas kay Caifas na pangulong pari. 

 


25

 Si Simon Pedro ay nakatayo at siya ay nagpapainit. Sinabi nga nila sa kaniya: Isa ka rin sa mga alagad niya, hindi ba? Siya ay nagkaila at sinabing, hindi. 

 


26

 Ang isa sa mga alipin ng pangulong pari ay kamag-anak ng pinutulan ni Pedro ng tainga. Siya ay nagsabi: Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan? 

 


27

 Muling nagkaila si Pedro at pagdaka`y tumilaok ang isang tandang. 

 


28

 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa bulwagang hukuman. Maaga noon. Sila lamang ang hindi pumasok sa bulwagang hukuman upang hindi sila madungisan. Hindi sila pumasok upang sila ay makakain sa paglagpas. 

 


29

 Lumabas nga si Pilato at sinabi sa kanila: Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito? 

 


30

 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Kung hindi siya isang salarin, hindi namin siya isusuko sa iyo. 

 


31

 Sinabi nga ni Pilato sa kanila: Kunin ninyo siya at hatulan ninyo siya ayon sa inyong batas. Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala kaming karapatang pumatay ng sinumang tao. 

 


32

 Ito ay nangyari upang matupad ang sinabi ni Jesus. Ang salita na kaniyang sinabi ay nagpakahulugan ng uri ng kamatayan na kaniyang ikamamatay. 

 


33

 Pumasok ngang muli si Pilato sa bulwagang hukuman at tinawag si Jesus. Sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ang hari ng mga Judio? 

 


34

 Tinugon siya ni Jesus: Ito ba ay sinasabi mo mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo tungkol sa akin? 

 


35

 Tumugon si Pilato: Ako ba ay isang Judio? Isinuko ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga punong pari. Ano ba ang nagawa mo? 

 


36

 Sumagot si Jesus: Ang aking kaharian ay hindi sa sanlibutang ito. Kung ang aking kaharian ay sa sanlibutang ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod. Sila ay makikipaglaban upang hindi ako maisuko sa mga Judio. Sa ngayon, ang aking kaharian ay hindi mula rito. 

 


37

 Sinabi ni Pilato sa kaniya: Kung magkagayon, ikaw ba ay isang hari? Sumagot si Jesus: Ikaw ang nagsabi na ako ay isang hari. Magpapatotoo ako sa katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan. Ang bawat isa na nasa katotohanan ay dumirinig ng aking tinig. 

 


38

 Sinabi ni Pilato sa kaniya: Ano ang katotohanan? Pagkasabi niya nito ay muli siyang nagpunta sa mga Judio na nasa labas. Sinabi niya sa kaniya: Wala akong makitang dahilan upang ipapatay siya. 

 


39

 May isang kaugalian kayo na palayain ko sa inyo ang isa sa araw ng Paglagpas. Ibig ba ninyo na palayain ko sa inyo ang hari ng mga Judio? 

 


40

 Lahat sila ay muling sumigaw na sinasabi: Hindi ang taong ito kundi si Barabas. Si Barabas ay isang magnanakaw. 

 


John 19

 

 

 

 

HTMLBible Software - Public Domain Software by johnhurt.com

 


Other Items are Available At These Sites: